Monday, February 06, 2006

Birthday Post to My Birthday Boy

Ang bilis ng panahon. Dalawang taon na pala kaming nagdidiwang ng espesyal na araw na ito na magkasama.

Masaya. Kung tutuusin hindi ako ang ka date niya ngayon, kundi ang pamilya syempre. Pero mas masaya kasi gumising siya na ako ang katabi. Quesehodang hindi pa kami naghihilamos o nagmumumog. Ang mahalaga, ako ang una niyang makita pag-gising nya.

Maligayang kaarawan mahal ko. Ito lang muna ang tanging maibibigay ko sa iyo sa araw na ito, at ang walang kapantay na pagmamahal sa bawat sandali, minuto, araw, buwan at mga susunod pang taon.

Date tayo bukas ha? Ako taya. :-)

1 Comments:

At 1:19 PM, Blogger Being Jerome Daclison said...

Maraming salamat, mahal ko. Bahagi ka na ng aking buhay kung kaya't ang isa sa mga pinakamagandang regalo sa akin ng Panginoon sa aking kaarawan ay...(cue song: Ikaaaaw ang bigay ng maykapal...) Mwah!

 

Post a Comment

<< Home